O Inang Pilipinas!

Nagmula sa iyo ang ang aking buhay
Nagmula sa iyo ang aking hininga
Nagmula sa iyo ang aking pag-ibig
na siyang bumubuhay sa aking mga panaginip

Pag-ibig na dalisay, ramdamin mo mula sa hangin!

Ano nga ba’t kita’y minamahal?
Sinisinta, iniirog, pinagmamasdan?

Wala nang iba, tanging ikaw lamang
O pinakamamahal kong Inang Bayan

Sugat sa puso kong nakikita kang nagdurusa
Kirot sa dibdib ang marinig kang humiyaw
Sinisigaw ko sa hangin ang mga dalangin para sa iyong kalayaan

 
Tanging sa iyo mula ngayon hanggang bukas
Hanggang sa kabilang buhay
 
Mabuhay ka, O Inang Pilipinas!
 


2 thoughts on “O Inang Pilipinas!”

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *