facebook

Move Forward and Never Be Still

Para Kay Rem

<strong>Para Kay Rem</strong>
Salamat sa mga bungisngis mong nakakahawa
Sa mga ngiti mong abot hanggang tainga
Salamat sa mga payo tungol sa puso at buhay
Ukol sa hinaing ng mundo
At mga ginhawang dala rin nito
Isa ka sa klase ng taong maituturing na tunay
Isang mabuti at mabait na kaibigan
Sadyang kay lungkot at tayo’y di na muling magkakadaupang-palad
Sa mga paglalakbay pa sana nating magkakaibigan
Mahal Kita Rem, di man nasasambit ng madalas!
Kay lungkot at ikaw ay namaalam agad
Ngayong ikaw ay panandaliang mamamahinga
Ang nakakasilaw mong ngiti ang siyang palaging alaala
Kung tayo’y magkitang muli
Sa Sanglibong taon sana
Kapiling ang Lumalang sa ating lahat
Nawa patungo sa buhay na walang hanggan
Maraming Salamat, aking Kapatid
Sa halakhak at tawang gang ngayon ay aking rinig
Kung ako ang dalampisigan, ikaw naman ang alon
Na patuloy na nagpapaalala na ang buhay ay tuloy lang ang pag-agos
Walang hanggang paalam ang ipaparating ko sa iyo
Dahil walang katapusan ang pasasalamat sa puso ko
Na minsan sa aking buhay ikaw ay nakilala
Naging kaibigan at higit pa
Pahinga ka na muna ng mahimbing
Matulog sa piling ng mga ulap, hangin at panaginip
Isang araw, balang araw tayo ay magigising
Magkikita, magyayakapan at magtatawanang muli
Ikaw ay Masaya,
Ikaw ay Maligaya
Ikaw ay Mapagkumbaba
Mapagpasalamat
At higit sa lahat
Isa ka nang Malaya


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *